Di ba pwede
Kukunin ko ulit
Ang kulay ng araw
Sa dagat ng Maynila
Nakaupo tayo
Sa bato
Nakahawak ang ating kamay
Di ba pwede
Sabihin ko uli
“Mahal kita!”
Pasensya kana
At hindi ko tinuloy
Ang ating
Pakikisama
Di ba pwede
Alisin natin
Ang pangalan ko at
Ang pangalan mo
Bumalik ako
Sa bato at sa dagat
Iba na ang puso
Nag-iisa pa rin ang bato
Di ba pwede
Umibig
Kung iba ang kulay ng kutis
“Bakit?” ang tanong
“Bakit?” ang sagot
Maraming “Sana” ang nasa isip ko
Pasensya ka na
Sa susunod na buhay
Magkatabi uli tayo
No comments:
Post a Comment